Thursday, August 22, 2013

Hayy Buhay

Ang buhay, ay parang paggawa ng bracelet, sa una, di ka sanay, syempre, pag-aaralan mo to, sa una, mahihirapan ka, sa una, magkakamali ka, sa una malilito ka. Eh wala eh. Pero habang tumatagal, kapag alam mong gusto mo na maganda ang kalabasan ng gawa mo, syempre, pagiigihan mo, pagsisikapan mo, then yung sa kalagitnaan ka na, nabuhol, pero pilit nalang inaalis ang buhol at itinutuwid muli, tandaan lahat ng buhol ay may dahilan, para matuto tayo sa ating pagkakamali.
Pero hindi dahil sanay ka na ay di ka na tatanggap ng anumang opinyon mula sa iba, dahil minsan di natin alam, papatapos palang tayo sa isang bracelet, nakaka-labing walo na pala sila, 
Pero hinggil sa lahat na yan, pagkatapos mo gumawa, gumawa ng gumawa di mo mapapansin na may sampung bracelet ka na pala na nagawa ng maayos, pawi lahat ng mga paghihirap na dinanas.


Ako? Oo, tatlong oras ko pinagtuunan ng pansin tong unang bracelet ko, pero andaya ko ng makitang saksespul ito. ;))



No comments:

Post a Comment