Saturday, December 8, 2012

Pasko ng Pilipino.

Tayong mga Pilipino ay may sariling gawi sa pag-cecelebrate ng Pasko, na halos lahat ng Pilipino ay ginagawa ito kaya nga yung mga ibang nangingimbang bansa eto yung isa sa namimiss sa Pilipinas. tayo yung pinakamahabang mag-celebrate ng pasko, Kasi simula September palang simula na, pag November na kanya kanya ng kabit ng decorations.




Katulad ng Pagsisimbang gabi ng madaling araw yung mga ibang tambay lang sa labas, tapos pagkain rin ng puto-bumbong at bibingka matappos ang simbang gabi, may mga nangangaroling na mga bata sa labas na halos araw araw ng nangangaroling, minsan pag meron nangangaroling may kasunod agad na "TAWADD!!!"   , isa rin dito yung pag-hahanda sa gabi, o "Noche Buena" may mga handang keso de bola, lechon, ,hamon  yan ang mga karaniwang handa. Mga batang lagay ng lagay ng medyas kahihintay kay Santa Claus. Yan ay mga halimbawa ng gawain ng mga ilan sating mga Pilipino,  :)



Wednesday, December 5, 2012

Bakit mahalagang i-kontrol ang emosyon?

Bakit mahalagang i-kontrol ang emosyon? Mahirap kontrolin to lalo na kung nasanay ka bilang ganitong klaseng tao, yung taong tipong napakadali madala ng emosyon, emosyon na umiyak, maggalit, masaktan kahit minsan pagiging masaya.




Dahil sa hindi pagkontrol nito posibilidad na, makasakit ng damdamin ng iba, mas malabong usapan, napapalalang pag-aawayan at minsan nakakagawa pa ng maling desisyon dala ng temporaryong emosyon.

Meron din namang taong papalit-palit ng emosyon o "Moody" mahirap yung ganito, nangangapa ka kung ano yung sitwasyon nya, yung tipong kanina ayos naman tapos biglang ma-BBV, eto rin yung characteristic na di maganda. Kaya iwasan nating maging ganito ;))

----

Sunday, December 2, 2012

Ang katotohanan ang syang magapapalaya sa iyo. :)

Bakit nga ba mahirap tanggapin ang katotohanan? Mahirap mabuhay sa kasinungalingan,


Magiging malaya tayo kung malaman ang katotohanan, ngunit mahirap kasi nga MASAKIT.
dahil nasanay tayo dito eh. pero ang pagtanggap nito ay siyang magpapabuti sa atin,

Mas mainam pang masaktan kung malaman ang katotohanan kaysa sa maging masaya kahit ito'y kainungalingan lamang.

Maraming taong nagsasabi na.. "White Lies" ngunit di ako sang-ayon, tandaan, may bumabalot parin ditong kasinungalingan, ito ay hindi tama, kahit gaano ka laki o kaliit, makabubuti man o hindi, ito parin ay KASINUNGALINGAN,
.

Hate Late.

Bakit nga ba maraming Pilipinong late? May tinatawag na nga tayong "Filipino Time" o "Juan Time"
Naging tradisyon na yan nating mga Pilipino, madalas late, isa na ako sa mga Pilipinong ganun. Ano nga ba ang dahilan? late ang service? nagpagasolina pa yung jeep na sinasakyan mo? ma-traffic? late nagising? puno lagi yung FX? nagcram? walang masakyan? nasiraan? Yan ang mga ilan sa dahilan kung bakit nalalate,
Sino nga ba nagpasimula nitong pagkalate na ito? Dahil nasakupan tayo ng kung sino-sinong mga taga-ibang bansa?



Paano nga ba maiiwasan to kung sanay kanang nagiging late sa school/work/appointments/meetings/etc, kailangang matutong gumising ng mas maaga, ready mo na gamit mo bago pa matulog,

Kung maaga ka nang nagigising noon , mas agahan mo pa, para magkaroon ka ng pataan in case na matraffic,walang masakyan, magpa-gas, masiraan, Nasa oras ka parin ;)

Mahirap malate lalo na kapag estudyante, kapag nalate ka pagtitinginan kanang akala mo sangkot ka sa Maguindanao Massacre.