Thursday, August 22, 2013

Hayy Buhay

Ang buhay, ay parang paggawa ng bracelet, sa una, di ka sanay, syempre, pag-aaralan mo to, sa una, mahihirapan ka, sa una, magkakamali ka, sa una malilito ka. Eh wala eh. Pero habang tumatagal, kapag alam mong gusto mo na maganda ang kalabasan ng gawa mo, syempre, pagiigihan mo, pagsisikapan mo, then yung sa kalagitnaan ka na, nabuhol, pero pilit nalang inaalis ang buhol at itinutuwid muli, tandaan lahat ng buhol ay may dahilan, para matuto tayo sa ating pagkakamali.
Pero hindi dahil sanay ka na ay di ka na tatanggap ng anumang opinyon mula sa iba, dahil minsan di natin alam, papatapos palang tayo sa isang bracelet, nakaka-labing walo na pala sila, 
Pero hinggil sa lahat na yan, pagkatapos mo gumawa, gumawa ng gumawa di mo mapapansin na may sampung bracelet ka na pala na nagawa ng maayos, pawi lahat ng mga paghihirap na dinanas.


Ako? Oo, tatlong oras ko pinagtuunan ng pansin tong unang bracelet ko, pero andaya ko ng makitang saksespul ito. ;))



Monday, June 24, 2013

Bahala Na Si Batman.

Bahala Na Si Batman

Naging kataga na sating mga Pilipino tong "Bahala Na Si Batman" 

Kung lahat tayo ay ibabahala sa ibang tao ang ating suliranin o kamalian sa buhay, pano tayong matututo? Sa panahon ngayon, dumadami ang bilang ng nag aattempt at tuluyang ng suicide sa ating bansa, merong mga estudyante namamatay sa kadahilanang walang pangtuition, dahil na rin ito sa hindi sila dumadaan sa kahit anong problema, kaya't nang may sumalubong sa kanilang problema, ay wala silang tanging maisip na solusyon na dapat gawin, kaya't pagpapakamatay ang naiisip nilang nararapat na sagot sa kanilang mga hinanaing.


Bahala Na Si Parents ko.
Isa rin ito sa isyu ngayon satin.
Yung mga may asawa't anak na, sa nanay at tatay parin nakatira, pati pambili ng bigas at gatas ng anak nila ay di magawang bilin, syempre andyan si Nanay eh, 
Meron din namang mga kabataan na may gamit na di praktikal magkaroon maliban na nga lang kung pinagtuunan ito ng ipon mo, 
Eto isang halimbawa"WOW! Pare ganda ng kotse mo ahh!" "Oo pre, bili ni daddy yan! 
O in short ay ASA SA MAGULANG.


Pero bakit Bahala na Si Batman, sa pagkakaalam ko, si God lagi ang bahala satin, kasi di nya tayo bibigyan ng problema na di natin kaya lagpasan. ;))
Positive VIBEEES! 


------



Monday, February 18, 2013

Sa Likod Ng Pulang Kurtina.

Hindi lahat ng sinasabi yun lang mismo, hindi lahat literal na ipanapadama, mas marardaman mo sya sa pagkilos nya hinde sa simpleng salita nya,

Ang palabirong "joke lang" sa likod nyan may maliit na katotohanan.

Ang simpleng "wala lang," ay may bumubulabog na curiosity sa isip nyan

"Wala eh" meron yan tamad lang , o madamot lang

Yuuuung "Bahala Ka" yan ung dalawang salita nama'y walong letrang nagpapahiwatig ng pinaghalong damdamin, ang pangungonsensya at hinanakit.

ETO YUNG "OKAY LANG" di ba simpleng simple, "okay ka lang" "ok lang" pero makikita mo sa mukha parang nagsasabi na may cancer sya, nasunog bahay nila, anak nya nagdruddrugs, asawa nya bakla, ubos na yung creamer sa kape. Oh diba? Sasabihin "ok lang" sa totoo lang ito'y simpleng salita na sa likod ng pulang kurtina ay nagtatago ng milyung-milyong emosyon.



Eto yung mababasa nyo makikita nyo nalang wala nang kasunod.
-l

Friday, January 25, 2013

Ang Buhay Parang Temple Run 2

Minsan na-isip ko ang buhay parang Temple Run 2. Dahil meron tayong tinatakbong achievement , wala tayong pagod para makamit yun. Syempre sa buhay meron din tayong hurdles kailangan sakto lang pag lumiko sakto lang din pag yumuko at tumalon, kase alam naman natin na lahat ng sobra ay masama. Kailangan laging SAKTO. Meron ding humahabol satin at yun ang past,, kailangan natin talikuran at wag nang tumingin sa likod dahil ito ay maari maging dahilan kung bakit tayo mage-game over. Meron din tayong mga power ups na ito ay nagsisilbing tulong sa atin, pero habang tumatagal kailangan natin tong i-upgrade para mas makayanan natin ma-achieve ang high score. Pero minsan, diba dahilan ng pagkamatay natin ay yung pagkuha ng power ups at coins? Aminin. Kase minsan kailangan rin natin hayaan nalang , ito'y pagiging makasarili ,Pero meron din tayong gems na makakatulong pwede tayong bumangon ulit at harapin ang hinaharap, at yun ang motivation natin na okay lang magkamali, "Pero" nauubos din yung mga gems, kaya kailangan rin natin magdahan-dahan. :)))